CAUAYAN CITY- Kulong ang isang tricycle driver sa lungsod ng Cauayan sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Abuse at kasong rape.
Ang akusado ay kinilalang si Arnel Talosig, 35-anyos, tricycle driver na residente ng Brgy. Duminit, Cauayan City.
Ang akusado ay napag-alamang kabilang sa E-warrant system ng Pulisya at tinaguriang No. 7 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong nabanggit.
Nadakip ang akusado sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ng hukom noong Feb. 11, 2025 na wala namang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon bago I-turn over sa kaniyang court of origin.