--Ads--

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na NURI.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,415 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h habang kumikilos pa-east northeastward sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Ang trough ng bagyo ay nagdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Dinagat Islands at Surigao del Norte.

Samantala, ang northeast monsoon o amihan naman ang nakaaapekto sa Batanes at Babuyan Islands kung saan magdudulot ito ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan. Makakaranas din ng parehong kondisyon ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Apayao, at Kalinga.

--Ads--

Sa Metro Manila, amihan pa rin ang umiiral na weather system ngunit isolated rains lamang ang maaaring maranasan.

Sa nalalabing bahagi naman ng Mindanao, pati na sa Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte, inaasahan ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshowers at thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.