--Ads--

Naglabas ng kritisimo si United States President Donald Trump laban kay Pope Leo XIV nitong Linggo, kung saan tinawag niya itong “weak”  at “terrible” sa foreign policy.

Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump: “Pope Leo is WEAK on Crime and terrible for Foreign Policy.”

Si Pope Leo, na kilala sa pagiging maingat magsalita, ay naging outspoken critic ng US-Israel war laban sa Iran na nagsimula noong February 28.

Kinondena rin niya ang naging banta ni Trump na sirain ang Iranian civilization, na aniya ay hindi katanggap-tanggap.

--Ads--

Nanawagan din ang Santo Papa ng pagninilay tungkol sa paraan ng pagtrato sa migrants sa US sa ilalim ng Trump administration.

Dagdag pa ni Trump sa kanyang post: “Leo should get his act together as Pope.”

Sa hiwalay na pahayag sa media, sinabi rin ni Trump na hindi siya “big fan” ng nasabing Santo Papa.