--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahuli ang isang tsuper sa Cabagan, Isabela sa isinagawang drug buy bust operation ng Cabagan Police Station at Phil Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasamsam kay Guilbert Laggui, 32 anyos, may-asawa, tsuper at residente ng Cubag, Cabagan ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P/500.00 buy bust money.

Samantala, dinakip naman ang isang menor de edad na estudyante sa isinagawang Anti-illegal Drug Buy Bust Operation ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station at PDEA Reg.2.

Ang suspek ay isang 17 anyos at Grade-12 student.

--Ads--

Matagumpay na nakabili ang umaktong puseur buyer ng isang pirasong tinuping papel na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana kapalit ang P/200.00 buy bust money.

Ang dalawa nahaharap sa kasong paglabag sa Rep. Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).