--Ads--

NUEVA VIZCAYA – Kinasuhan na ang tsuper ng bus na naging dahilan ng Karambola ng Tatlong Sasakyan sa Balete, Diadi na nagresulta ng pagkasawi ng isa sa mga sangkot na tsuper.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Diadi Police Station, ang mga sangkot na sasakyan ay isang EMC LBS Bus na minaneho ni Gerald James Cudia, tatlumpu’t limang taong gulang na residente ng Alicia, Isabela, isang puting elf Close van na minaneho ni Gerald Rosales, apatnapu’t dalawang taong gulang na residente ng Ballug, Tumauini, Isabela Kasama ang mga pahinante nito na si Allan Salcedo, dalawampu’t limang taong gulang na residente naman ng Cordon, Isabela at Raymond Galapon, dalawampu’t limang taong gulang na na residente ng Balintocatoc, Santiago City.

Damay din sa aksidente ang isang trailer truck na minaneho ni Danilo Pascual, limampu’t apat na taong gulang na residente ng Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, binabagtas ng mga sangkot na sasakyang daan patungong hilaga o papasok sa lalawigan ng Isabela nang mangyari ang aksidente.

--Ads--

Hindi umano kumagat ang preno ng bus na minamaneho ni Cudia dahilan para mabunggo nito ang sinusundang Elf Close Van.

Dahil sa malakas na pagbangga ay nahagip ng close van ang likurang bahagi ng trailer dahilan para tumilapon palabas ang tsuper nito na si Rosales.

Nagpatuloy naman sa pagbagtas pababa ang bus at bumangga sa kaliwang bahagi ng Trailer.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Rosales at idineklarang Dead on Arrival sa pagamutan habang wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus.

Kahapon ay sumailalim na sa Inquest Proceedings ang tsuper ng bus na si Cudia.