--Ads--

Sugatan ang parehong driver ng kolong-kolong at single motorcycle matapos matagis ng delivery van habang binabagtas ang National Highway malapit sa Rizal Park sa Lungsod ng Cauayan.

Sakay  ng kolong-kolong ang dalawang ginang na magtutungo sana sa palengke upang magtinda sa kanilang pwesto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mildred, isa sa mga sakay ng kolong-kolong, sinabi nito na habang binabaybay nila ang lansangan ay bigla na lamang silang tinagis ng isang delivery van dahilan kung bakit nagpaikot-ikot ang kanilang sinakyang kolong-kolong.

Nagtamo ng galos ang tsuper nito maging ang ilang mga sakay ng kolong-kolong.

--Ads--

Maliban sa kanila ay natagis din umano ang isang single motorcycle.

Tinakbuhan naman ng nakatagis na delivery van ang mga biktima.

Ayon kay Mildred, masyadong mabilis ang naging pangyayari kaya minabuti na lamang nilang pumagilid sa kalsada habang naghihintay ng rerespondeng pulis at rescuers.

Agad namang itinawag ang insidente sa rescue 922  na agad namang rumesponde at binigyan ng  paunang lunas ang mga biktima. Tumanggi naman ang mga ito na magpatakbo pa sa pagamutan.

Tinakbuhan naman ng nakatagis na delivery van ang mga biktima.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng nakatagis na delivery van sa pamamagitan ng pag-check ng mga CCTV  na malapit sa lugar.