--Ads--

CAUAYAN CITY – Masuwerteng nakaligtas ang isang truper ng utility vehicle matapos barilin sa Barangay Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Agustin Viray, nasa tamang edad at residente ng Bokod, Benguet.

Inihayag ni P/Insp. Jerome Boy Simeon, OIC Chief of Police ng Aritao Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na pinagbabaril ng hindi pa nakilalang suspek ang biktima habang nakikipag-inuman ng alak.

Kaagad isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital si Viray dahil sa tinamong isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na uri ng baril sa mukha.

--Ads--

Kaugnay nito, nanawag pa si Insp. Simeon sa publiko na ipagbigay alam sa otoridad kung sino ang nakakakilala sa suspek para sa ikalulutas ng nasabing pamamaril.

Sa ngayon, inaalam na nang PNP Aritao ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril habang inilipat naman sa isang ospital Baguio City ang biktima.