--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang tsuper ng motorsiko habang sugatan ang backrider nito matapos mabunggo ng sinusundang kariton na hila hila ng kalabaw sa national highway ng Lulutan, Ilagan City.

Sinakyan naman ni Freddie Nuez, 42 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar ang kalabaw na may hila-hilang kariton

Ang namatay ay si Kennedy King Pableo 20 anyos, magsasaka habang sugatan ang kanyang angkas na si Jaylord Balagat, 17n anyos at kapwa residente ng barangay Pilar, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan patungong kanlurang direksyon ang mabilis na takbong motorsiklo nang mabangga ang sinusundang kariton hila-hila ng kalabaw na sinakyan naman ni Nuez.

--Ads--

Agad na isinugod ang dalawang sakay ng motorsiko sa hospital ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Pableo.