--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay agad ang isang lalaking nakamotorsiklo matapos makabanggaan ang nakasalubong na traysikel sa Brgy. San Isidro, Santa Maria, Isabela.

Ang biktima ay si Renato Corpuz, 54 anyos, may-asawa,residente ng San Isidro West, Santa Maria habang ang suspek ay si Michael Mabaza, 22 anyos, walang asawa at residente ng Enrile, Cagayan.

Magkasalungat na binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng pambansang lansangan na bahagi ng Brgy. San Isidro, Sta.Maria, Isabela nang mag-overtake si Corpuz ngunit hindi niya nakontrol ang motorsiklo kung kayat nabangga niya ang kasalubong na traysikel.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na kanyang agad ikinasawi.

--Ads--

Ang tsuper ng traysikel na si Mabaza ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.