--Ads--

CITY OF ILAGAN – Ipinasakamay na sa mahigit dalawang libong magsasaka ang tulong pananalapi sa ilalim ng Rice Competetiveness Enhancement Fund o RCEF.

Nakatanggap ang mga magsasaka ng limang libong piso mula sa Kagawaran ng Pagsasaka o DA.

Ayon Kay City Agriculture Officer Moises Alamo, umaabot sa 2,132 na magsasaka ang benepisaryo sa dalawang araw na distribusyon ng tulong pananalapi at lahat sila ay nakapagpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at sa Farmer-Fisherfolk Database ng DA.

Tanging ang mga magsasaka lamang na may sinasaka na hindi lalagpas sa dalawang ektarya ang kabilang sa mga benepisaryo. 

--Ads--

Ipinagpasalamat naman ni Adriano Guzman ang natanggap na tulong dahil malaking tulong ito para makabili siya ng abono at Ilan pang pangangailangan sa palayan.

Maaga pa lamang ay pumila na siya sa Ilagan City Sports Complex kung saan ipinamahagi Ang nasabing tulong pananalapi.

Paalala naman ng City Agriculture Office na ilaan sa tama ang pera partikular sa pagbili ng mga Farm Inputs.

Hinimok din ang mga magsasaka na magpatala sa RSBSA pangunahin na ang mga hindi pa nagpaparehistro.