--Ads--

Naging maayos ang unang dalawang Linggo ng Election period sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo Jr. ng Commision on Election (Comelec) Isabela, sinabi niya na simula noong nagsimula ang Comelec Checkpoint noong ika-12 ng Enero ay dalawang paglabag pa lamang ang kanilang naitatala.

Una rito ay ang 3 security personnel na nakitaan ng baril sa Comelec Checkpoints sa Jones, Isabela habang ang isa naman ay ang pagkahuli ng dalawang indibidwal sa Roxas, Isabela na may dalang mga marijuana Bricks at isang granada.

Nilinaw naman niya na kailangang aprubado ng comelec ang mga certificate for gun ban exemption at hindi tatanggapin kapag nasa proseso pa lamang ng aplikasyon kagaya ng nangyari sa 3 security personnel sa Jones.

--Ads--

Aniya, hindi na kasali sa mga ipinagbabawal ang mga bladed weapons o mga patalim at tanging ang pagdadala ng baril at replika ng mga baril sa mga pampublikong mga lugar ang ipagbabawal.

Samantala, mayroong pribelehiyo ang mga Vulnerable sector na bumoto ng mas maaga para sa National and Local Elections sa Mayo.

Ayon kay Atty. Manuel Castillo, alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi ang oras ng pagboto ngunit bibigyan ng pagkakataon ang mga Senior citizen, persons with disabilities (PWD’s) n a bumoto ng alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga.

Kung sakali man na hindi pa tapos bumoto ang mga nasa vulnerable sector pagsapit ng alas-7 ng umaga ay uunahin pa rin sila bago pahintulutang bumoto ang mga regular voters.

Pagdating naman sa mga absentee voters ay kinakailangang magsumite ng aplikasyon sa Provincial Supervisors Office upang makaboto ng mas maaga.

Gayunpaman, tanging National Candidates lamang ang maaaring iboto ng mga Local Absentee Voters at hindi sila makakaboto sa mga local candidates.