--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Health – Cagayan Valley ang kauna-unahang kaso ng Monkey Pox o Mpox sa Region 2.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa DOH Region 2, ang nasabing pasiyente ay kasalukuyan nang nakaisolate at binibigyan ng mga kaukulang atensyong medical.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Kagawaran para sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing pasiyente. Lahat ng mga close contact ng pasiyente ay isasailalim din sa monitoring upang malaman kung magpapakita rin sila ng sintomas ng sakit.

May ugnayan na rin ang DOH Region 2 sa lokal na pamahalaan kung saan naitala ang nasabing kaso para sa pagpapatupad ng health protocols.

--Ads--

Kabilang sa mga posibleng maging sintomas ng sakit ang rashes o mucosal lesions, lagnat, panghihina, pamamaga ng mga kulani at pananakit ng mga kalamnan.

Posible itong maihawa sa pamamagitan ng pagdikit sa balat ng may Mpox, paggamit ng mga kagamitan ng positibo sa nasabing sakit kagaya ng damit at pagkahawa mula sa infected na hayup.

Libre naman ang testing para sa naturang virus.