--Ads--

Nakaranas ng unscheduled power interruption ang Barangay Canan, Cabatuan, Isabela kaninang 7:35 ng umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Glen Mark Aquino, General Manager ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1, sinabi niya na ilang minuto lamang ang itinagal ng brown out dahil bumalik din agad ang tustos ng kuryente dakong 7:59 ng umaga.

Tanging ang barangay Canan lamang ang nakaranas ng unscheduled power interruption matapos bumigay ang cut out ngunit sa ngayon ay inaalam pa nila ang pinaka-sanhi nito.

Sa ngayon ay sapat naman aniya ang suplay ng kuryente sa Spot Market kaya tiyak na mapupunan ang pangangailangan ng kuryente ng mga consumer ngayong halalan.

--Ads--

Bago ang araw ng eleksyon ay nagsagawa ang ISELCO 1 ng Transformer Load Management sa lahat ng mga distribution transformers sa lahat ng mga Election Centers.

Naka-deploy din ang kanilang mga tauhan sa mga lugar na malapit sa mga Election Centers upang agad na matugunan ang biglaang pagkawala ng tustos ng kuryente.