--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng pamahalaang panlalawigan ang pamilya ng mga nasawi at nasugatan matapos na mahulog bangin noong Linggo, June 9, 2019 ang sinasakyan nilang jumbo jeep sa Barangay Balagan, San Mariano, Isabela.

Bukod sa cash assistance ay nagkaloob ang DSWD ng 25 kg na bigas sa mga biktima.

Ang pamahalaang panlalawigan naman ay nagkaloob ng tulong pananalapi sa mga nasawi at nasugatan.

Unang naiulat ang pagkamatay nina Gina Magusib, Ines Tapaoan, John Lloyd Cadiente at Irenea Cleto.

--Ads--

Namatay sa San Mariano Community Hospital sina Marilen Gammad at John Loy Rivera habang si Carmelita Zalun ay sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa City of Ilagan.

Sa hiwalay na ospital ay nakatakdang isailalim sa operasyon si Ricalyn Tapaoan dahil sa bali sa buto sa kanang bahagi ng kanyang tuhod.

Ang kanyang lola ay nasawi sa aksidente dahil sa malubhang sugat matapos na tumama ang katawan sa aluminum Galvanized Steel na karga ng jeep.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reynaldo Tapaoan, ama ni Ricalyn, sinabi niya na kailangan ng dugo na isasalin sa kanyang anak bago siya operahan.

Ang tinig ni Reynaldo Tapaoan