--Ads--

Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang U.S.-based at dating X Factor Philippines finalist na si Mark Mabasa matapos siyang magtanghal sa “ASEAN Rhythms: A Cultural Celebration.”

Idinaos ang naturang event sa Northwest Campus Auditorium ng University of California, Los Angeles, USA noong Sabado, Abril 25, 2026.

Humanga ang mga kinatawan mula sa Indonesia, Malaysia, Myanmar, at Thailand sa pag-awit ni Mark ng “Babalik Ka Rin” at “Heal The World.”

Bilang nag-iisang Pilipinong mang-aawit na inimbitahang magtanghal sa ASEAN Rhythms, ramdam ng mga Pilipinong naroroon ang labis na pagmamalaki nang makisabay pa ang mga ASEAN delegates sa pag-awit ng “Heal The World” kasama si Mark.

--Ads--

Para sa kanila, isa itong “glorious moment” para sa Pilipinas.

Ipinakita rin ng kanyang pagtatanghal na higit pa sa talento sa pagkanta ang kanyang dala, dahil nagsilbi itong simbolo ng koneksyon at pag-asa sa gitna ng mga kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo.