--Ads--

Dalawang drone ang tumama sa United States Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia, na nagdulot ng sunog at kaunting pinsala sa gusali, ayon sa Saudi Ministry of Defence.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi dahil walang tao sa loob ng embahada noong insidente.

Apat na drone ang tinangka ring atakihin ang Diplomatic Quarter ngunit na-intercept ng air defense system, ayon sa isang source mula sa militar ng Saudi.

Naglabas ang US Embassy ng “shelter in place” advisory para sa mga US citizens sa Riyadh, Jeddah, at Dhahran, at ipinayo ang manatili sa ligtas na lugar hanggang sa karagdagang abiso.

--Ads--

Patuloy ang pagmamanman ng US Mission sa sitwasyon, habang binabantayan ng mga awtoridad ang epekto ng tensyon sa rehiyon.