--Ads--

Simula bukas, Abril 14 ay sisimulan na ng Estados Unidos ang paglalagay ng blockade o harang sa Strait of Hormuz sa pamamagitan ng US Navy upang pigilan ang anumang barko na papasok o lalabas sa naturang daluyan galing o papunta sa mga Iranian Ports.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, nilinaw ni US President Donald Trump na hindi haharangin ng US Military Forces ang mga mga barko na walang kaugnayan sa Iran.

Ito ay matapos na mabigo ang US at Iran na makabuo ng kasunduan para sa ceasefire kamakailan.

Ayon sa Iran, aabot nang mahigit 3,000 barko ang naka-angkla malapit sa bisinidad ng Strait of Hormuz na nag-aabang kung kailan pwedeng dumaan.

--Ads--

Gayunman, maaari pa rin aniya itong ma gdulot ng mas malalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa kung sino ang kokontrol sa naturang daluyan.