--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaalam na ng pamahalang panlalawigan ng Isabela ang van na sinakyan ng manggagawa sa Metro Manila na umuwi sa San Mariano, Isabela at nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano, sinabi niya na batay sa isinagawang contact tracing sa nasabing pasyente ay napag-alaman na sumakay siya ng isang van na naningil ng 5,000 pesos na pasahe.
Ayon kay Gov. Albano, batay sa kanilang napag-alaman ay walo ang isinakay ng van.
Kapag nalaman nila kung kanino ang van ay sasampahan nila ng kaso at mai-impound ang van dahil sa paniningil ng mahal na pasahe.
--Ads--
Ayon kay Governor Albano, mas lalo pang hihigpitan ang pagbabantay sa mga checkpoint na papasok sa lalawigan.










