--Ads--

CAUAYAN CITY- Nailigtas ng mga kasapi ng Angadanan Police Station ang isang tsuper ng L-300 Van na nahulog sa Pigalo Detour Bridge.

Ang tsuper ng van ay nakilalang si Leo Ramos,39 anyos at residente ng Amobocan Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Ardy Tion, hepe ng Angadanan Police Station, inihayag niya na sinagip nila ang tsuper matapos mahulog sa ilog ang minamanehong sasakyan.

Papunta ang biktima sa bayan ng San Guillermo, Isabela at habang binabagtas ang detour bridge ay biglang nadulas ang gulong ng sasakyan dahil sa nararansang pag-ulan na nagresulta upang mahulog ito sa ilog.

--Ads--

Nasa ligtas nang kalagayan ang tsuper matapos tulungan ng mga tumugon na pulisya.

Ang L-300 van naman ay nai-ahon na sa ilog sa tulong ng backhoe na nasa lugar.