--Ads--

CAUAYAN CITY- Nananatiling mapayapa ang bayan ng San Mariano dahil kadalasang Vehicular Accidents lamang ang naitatala sa lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Victor Tumaliuan, Operations CPO ng San Mariano Police Station, sinabi niya na nang dahil dito ay maitiung ang pagpapatupad nila sa OPLAN Sita kung saan kinakausap at pinapaalalahan ang mga motorista na hindi sumusunod sa batas lansangan at minomonitor din aniya nila ang kondisyon ng mga daan.

Dahil sa malalayo ang ilang mga Barangay sa San Mariano ay mayroon silang mga Barangay Police na nagsisilbing contact person nila sa mga barangay upang mabilis na maipaalam sa kanila ang mga kaganapan sa kanilang Area of Responsibility.

Nito lamang huling quarter ng 2024 hanggang sa kaslaukuyan ay matagumpay nilang nadakip ang isang Regional top most wanted rank 9 sa kasong Rebellion  at provincial top most wanted rank #1 sa kasong murder.

--Ads--

Tinitiyak naman nila na mayroong Police Presence pangunahin na sa mga matataong lugar at binbisita rin nila ang mga estbalishimento upang matiyak ang kaligtasan ng mga negosyante.

Nagsasagawa rin umano sila Project Scuba para tingnan ang mga kanal na maaaring pasukan ng mga kawatan pangunahin na ang mga termite gang.