--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto  ang isang vendor sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa public market sa Baligatan, Lunsod ng Ilagan.

Ang nadakip ay si Gerardo Reyes, 51 anyos, may-asawa, residente ng   Bliss Village at kabilang sa DI watchlist ng mga otoridad.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2  na nagbunga ng pagkaaresto ng suspek.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Reyes ang isang pakete ng hinihinalang shabu, Php 1,000 na ginamit na drug buy-bust money at isang cellphone.

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposison at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa kanya.