CAUAYAN CITY – Ini-lobby ng Integrated Bar of the Philippines ( IBP) sa korte suprema ang pagsasagawa ng virtual online oath taking ng mga bagong pasang abogado sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, IBP President, kanyang sinabi na panahon na para gumamit ng makabagong teknolohiya sa gitna ng crisis sa corona virus disease.
Ayon kay Atty Cayosa magandang gawin ang online oath taking kung saan ang 2019 bar passers ang unang batch na gagamit ng mabagong teknolohiya dahil kahit nasa magkakaibang lugar ay magagawa pa rin ang pagpapanumpa sa mga bagong abogado.
Napapanahon din ang virtual online oath taking dahil umiiral ang Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine at ang mahigpit na pagbabawal sa mass gathering, gayun din ang mas magiging mabilis at mas matipid sa gastos.




