--Ads--

Hiniling ni Vice President Sara Duterte sa International Criminal Court (ICC) na pabilisin ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa edad, kalusugan at matagal na nitong pagkakadetine.

Matapos bisitahin ang kanyang ama sa The Hague, sinabi ng Bise Presidente na nasa maayos na kondisyon naman ang dating pangulo, bagama’t ginagamot sa skin rash at nakararanas ng karaniwang pananakit dulot ng katandaan.

Umaasa rin ang pamilya na mas maagang masimulan ang paglilitis dahil mahigit isang taon nang nakakulong si Duterte nang walang pagdinig sa kanyang paglaya.

Iginiit ni Sara Duterte na nais nilang makabalik sa Pilipinas ang dating pangulo at sinabi ring napag-usapan na nila ang posibilidad na mamatay ito habang nasa kustodiya ng ICC.

--Ads--

Samantala, kinuwestiyon din niya ang umano’y kahandaan ng administrasyon na magsagawa ng patas na imbestigasyon sa isyu ng flood control funds at iba pang alegasyon ng korupsiyon.

Nagpasalamat naman ang Bise Presidente sa mga overseas Filipino para sa kanilang suporta at panalangin para sa paglaya ng kanyang ama.