--Ads--

Pormal nang inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na 2028 national elections, sa gitna ng tatlong impeachment complaints na nakasampa laban sa kanya sa House of Representatives.

Sa kanyang pahayag, sinabi niya: “I offer my life, my strength and my future in the service of our nation… Mga kababayan, ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.”

Kasabay nito, binatikos niya ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya’y hindi umano naging tapat sa mga pangakong binitawan noong kampanya at sa sinumpaang tungkulin nito sa bayan.

Ipinahayag din niyang pinagsisisihan niya ang pagtulong upang mahalal si Pres. Marcos bilang pangulo.

Dagdag pa niya, ang kanyang pag-alis sa gabinete ay bunsod umano ng malawakan at tadtad na katiwalian, kahit batid niyang ang magiging kapalit nito ay ang pagsasampa ng mga impeachment complaints laban sa kanya.

--Ads--