CAUAYAN CITY- Walang iniulat na pinsala sa mga gusali sa Lunsod ng Ilagan kabilang na ang Provincial Capitol Complex makaraang maramdaman ang 4.1 magnitude na lindol.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan, ligtas din na nakababa ang lahat ng mga kawani ng provincial government kung saan nagamit nila ang mga natutunan sa mga nakaraang earthquake drill na duck cover and hold ng mga kawani.
Naisuot din nila ang kanilang safety helmet saka sila bumaba mula sa provincial capitol ay nagtipon sila sa harapan ng guest house na itinalagang evacuation center.
Maging ang mga kawani ng LGU Ilagan City ay naging maayos ang paglikas ng mga kawani.
Nauna rito niyanig ng 4.1 magnitude ang Isabela na na may lalim na dalawamput dalawang kilometro.
Tectonic ang origin ng lindol at ang epicenter nito ay sa layong labing anim na kilometro Timog Silangan east ng San Pablo, Isabela.
Naramdaman ang intensity 3 sa Lunsod ng Tuguegarao at Peñablanca, Cagayan.




