--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Aurora Police Station sa Isabela at CIDG Ilocos Norte ang isang laborer na top 5 wanted municipal level sa Bautista, Pangasinan.

Ang suspek ay ang number 5 wanted person municipal level na si Gilbert Regadio,32 anyos, manggagawa, tubong Bautista, Pangasinan at residente ng San Pedro San Pablo, Aurora Isabela.

Ang magkasanib na puwersa ng Aurora Police Station, Criminal Investigation and Detection Group Ilocos Norte ay isinilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Teodorico Alfonso Bauzon, ng RTC Branch 50,Villasis Pangasinan laban sa suspek sa kasong attempted murder na may piyansang P/120,000.00 at ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Manuel Pastor Jr. ng RTC Branch 50 Villasis, Pangasinan sa kasong frustrated murder na may piyansang P/200,000.00.

Ang suspek ay dinala sa Aurora Police Station para sa kaukulang disposisyon bago ipinasakamay sa mga kasapi ng CIDG Ilocos Norte.

--Ads--