Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng tatlong bilang ng kasong grave threats, ngayong Setyembre 4.
Kinumpirma ito ng kanyang legal counsel na si Atty. Paul Lawrence Lim, matapos tanggihan ng korte ang mosyon ng bise presidente na ipagpaliban o bawiin ang naturang warrant.
Ayon kay Lim, walang intensyon si Duterte na tumakas o umiwas sa proseso ng batas sa kabila ng mga usapin hinggil sa hurisdiksyon ng korte. Gagamitin umano ng kampo ng bise presidente ang lahat ng nararapat na legal na remedyo upang harapin ang kaso.
Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na iginagalang nito ang naging desisyon ng korte. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nakita ng hukuman ang probable cause para litisin si Duterte sa tatlong counts ng grave threats at dahil dito ay iniutos ang pag-isyu ng warrant of arrest.
Binigyang-diin ng DOJ na patuloy nitong nirerespeto ang ruling ng korte at pinagtitibay ang commitment nito sa rule of law.
Lumabas ang naturang warrant habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban kay Duterte sa Senado.











