--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumaas ang water elevation sa Magat Dam dahil sa mga pag-ulang naranasan sa bahagi ng Nueva Vizcaya at Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na bagama’t tumaas ang elebasyon ng tubig ay nananatili naman sa dalawang spillway gates ang bukas na may tig-tatlong metro na opening.

Patuloy kasi ang pagbaba ng water inflow sa Magat Water Shed dahil mula sa 2,178 cubic meters per second kaninang madaling araw ay nasa 1,336 cubic meters per second na lamang ito  as of 11 am at may 923 cubic meters per second na water outflow.

Nilinaw naman niya na mananatiling nakabukas ang spillway gates hanggang sa bumalik ang normal inflow ng tubig sa Magat Reservoir para hindi tumaas nang tuluyan ang antas ng tubig sa Dam.

--Ads--