Binawasan ng World Bank ang growth forecast para sa Pilipinas ngayong taon sa 3.7%, mas mababa sa 5.3% na naunang forecast noong Enero. Ang pagbabawas ng forecast ay dulot ng epekto ng conflict sa middle east, lalo na sa energy imports at remittances, kung saan 18% ng remittances ay mula sa mga bansa sa Gulf.
Ang bagong forecast ay mas mababa rin sa target ng gobyerno na 5-6 porsyento para sa GDP ng bansa. Kung matutuloy, magiging mas mabagal ito kumpara sa 4.4 porsyento na paglago noong 2024.
Inaasahan naman ng World Bank na tataas ang paglago sa 5.6 porsyento sa 2027, na nasa loob ng target ng gobyerno para sa susunod na taon.
Ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, posibleng bumaba pa ang growth sa 3.5% kung magpapatuloy ang mataas na presyo ng langis.
Ang Philippine Statistics Authority ay maglalabas ng first quarter economic data sa susunod na buwan.











