--Ads--

AUAYAN CITY – Dalawang buwan nang hindi nakapagtala ng Coronavirus Disease (COVID -19) positive ang Wuhan  City, China kung saan nagsimula ang virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang  Chai Roxas, OFW sa China,  sinabi niya  na hindi lubos na bumabalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Wuhan City.

Mahigpit pa ring  ipinapatupad ang pagsusuot ng facemask upang makaiwas sa virus habang sa social distancing  ay naging maluwag na ang mga otoridad

Mahigpit na  binabantayan ang mga  umuuwi nilang kababayan mula sa ibang bansa  upang matiyak na  hindi sila ang magdadala ng virus sa Wuhan City  dahil wala nang local transmission sa naturang lunsod.

--Ads--

Sarado pa rin ang mga border ng China sa ibang mga bansa at walang mga banyagang pinapapasok maliban sa mga Chinese upang mapanatiling COVID free ang lunsod.

Nanatili pa ring sarado  ang wet market sa Wuhan  City sa kabila na  wala nang mga naitatalang nagpopositibo sa COVID -19.

Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing wet market dahil doon umano nagmula ang coronavirus.

Ang pahayag ng OFW na si Chai Roxas.