--Ads--

Opisyal nang inanunsyo nina actress Yassi Pressman at Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte ang kanilang engagement matapos ibahagi sa social media ang mga larawan at video ng proposal.

Sa magkasanib na Instagram post nitong Hulyo 18, ibinahagi ng magkasintahan ang mga kuha mula sa proposal na isinagawa sa isang malawak na damuhang lugar. Kalakip ng post ang caption na “Our greatest adventure.”

Makikita rin sa ibinahaging video si Villafuerte habang lumuluhod upang mag-propose kay Pressman, na hindi naman napigilan ang maging emosyonal habang ipinapakita ang kanyang engagement ring.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga kapwa artista at personalidad kabilang sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Zeinab Harake, Alex Gonzaga, Ruffa Gutierrez at Charlie Dizon.

--Ads--

Unang naiuugnay sa isa’t isa sina Pressman at Villafuerte noong 2023, habang tila kinumpirma naman ng aktres ang kanilang relasyon noong Valentine’s Day 2024 nang tawagin niya ang kongresista bilang “love of her life” sa isang social media post.