--Ads--
Muling babalik sa harap ng kamera ang aktres na si Yen Santos matapos ang ilang taong hindi aktibo sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula.
Kasama si Yen sa bagong vertical drama na mapapanood simula Mayo 30, kung saan inaasahan ang kanyang mas intense na pagganap sa karakter na may temang drama, pagtataksil, at paghihiganti.
Matagal na ring hinihintay ng ilang fans ang kanyang pagbabalik sa acting dahil sa kanyang huling mga proyektong ginawa ilang taon na ang nakalipas.
Sa nasabing proyekto, makakasama niya sina Rafael Rosell, Tony Labrusca, at Angelica Lao sa direksyon ni Andoy Ranay.
--Ads--
Inaasahang ipapakita ni Yen ang mas mabigat na emosyonal na eksena at mas mature na pagganap sa kanyang pagbabalik sa industriya.





