--Ads--

Nasawi ang isang katao habang libu-libong residente ang nawalan ng kuryente matapos hagupitin ng malakas na ulan at bugso ng hangin ang northeastern United States nitong Sabado.

Kabilang sa tinamaan ng Nor’easter ang New York, Boston at Philadelphia, kung saan nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng matinding pagbaha, pagsasara ng mga kalsada at mapanganib na kondisyon sa coastal areas.

Sa Brooklyn, nasawi ang isang 56-anyos na lalaki matapos tamaan ng punong natumba dahil sa malakas na hangin.

Ayon sa National Weather Service, maaaring umabot sa anim na pulgada ang ulan sa Long Island at 20 talampakan ang taas ng mga alon sa ilang lugar. Nagbabala rin ang ahensya sa major coastal flooding dahil sa mataas na tubig-dagat na kasabay ng full moon.

--Ads--

Dahil sa bagyo, daan-daang flight ang nakansela, kabilang ang 253 sa Boston Logan Airport, habang nakaranas din ng delays ang iba pang flight sa rehiyon.

Pinayuhan naman ni New York City Mayor Zohran Mamdani ang mga residente na iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan dahil sa malalakas na hangin at posibilidad na matumba ang mga linya ng kuryente.