--Ads--
Halos buong Taiwan ang nagsuspinde ng operasyon ngayong Biyernes, bilang paghahanda sa Bagyong Champi o ng Bagyong Rosal na nagdadala ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan.
Naitala na ang isang nasawi at 94 na sugatan, habang halos 1,300 residente mula sa mga bulubunduking lugar ang inilikas.
Ayon sa Central Weather Administration ng Taiwan, umaabot sa 191 kilometro kada oras ang bugso ng hangin malapit sa sentro ng bagyo. Bagama’t humihina na ito, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na direktang tumama ito sa isla.
Kinansela ang lahat ng 262 domestic flights at 669 international flights, habang nakahanda ang mga rescue team at militar para sa posibleng paglilikas at pagtugon sa pagbaha.
--Ads--











