--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang backrider matapos na salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa Minate Dos Cauayan City.

Ang mga sangkot na motorsiklo ay isang Suzuki Raider na minamaneho ni Serapin Laureta, 18 years old, estudyante at residente ng Brgy. Buyon, Cauayan City, Isabela kasama ang mga angkas na sina Samantha Marie Mon, 15 anyos at isa pang menor de edad na biktima.

Natukoy naman ang driver ng Honda Click 125 na si Lucky Vijoy Baddong, 26 anyos na residente ng  Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela patungong timog.

--Ads--

Lumalabas na mabilis ang pagpapatakbo ni Baddong kaya bumangga ito sa sinusundan na motorsiklo na kinalululanan ng mga biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang angkas na si Samantha Marie Mon na nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad dinala sa Cauayan District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nasugatan naman ang tatlong iba pang sangkot na nasa maayos nang kalagayan.