--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapagaling na sa ospital sa Cauayan City ang isang taong gulang na bata matapos malapnos ang balat nang mabuhusan ng mainit na kape sa kanilang bahay sa Labinab, Pequenio, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ina ng biktima na si Ginang Valentina Valera, sinabi niya na nagpapalamig siya ng pagkain ng kanyang anak na si Mae nang hindi niya namalayan na lumapit sa tasa na kinakape ng kanyang tita na umalis sandali.

Tinangka umanong inumin ng bata ang kape ngunit napaso kaya natapon ito sa kanyang braso at dibdib.

Agad siyang dinala sa Cauayan District Hospital para malapatan ng lunas.

--Ads--
Ang tinig ni Gng. Valentina Valera