--Ads--

CAUAYAN CITY– Nailigtas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 ang 10 anyos na batang lalaki sa lalawigan ng Quirino matapos iwan ng kanyang mga magulang.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa DSWD region 2, ang ina ng bata ay mayroon nang kinakasamang ibang lalaki habang ang ama ay nakakulong na dahil sa kasong rape na ang biktima ay kanyang sariling anak.

Ang bata ay nakita ng mga kawani ng DSWD region 2 na nasa pangangalaga ng isang nagmagandang loob na kupkopin ang bata.

Ayon sa salaysay ng bata mahirap lamang ang pamumuhay ng umaruga sa kanya at kadalasan lamang nilang inuulam ay bagoong na may kalamansi.

--Ads--

Sa ngayon ay kasama na ng 10 anyos na batang lalaki ang tatlo pa niyang kapatid na inaaruga na ng kanilang tiyahin.