--Ads--
Nasa 11 katao ang nasawi at anim na iba pa ang sugatan matapos ang naganap na avalanche sa Mount Mizhirgi na matatagpuan sa Kabardino-Balkaria region sa North Caucasus sa Russia.
Itinuturing na pinakamataas na bundok sa Russia ang Mount Mizhirgi kung saan mayroong kabuuang 33 na climbers ang naapektuhan.
Ligtas na nakababa naman mula sa bundok ang 10 mga climbers habang hindi pa tiyak ang kapalaran ng anim na iba pa.
Nagtulong-tulong na ang mahigit 50 na mga emergency workers para sa search and rescue operations kung saan nahirapan ang iba dahil sa terrain at banta pa rin ng avalanche.
--Ads--







