--Ads--

Patay ang isang 12-anyos na bata at sugatan ang hindi bababa sa 10 katao matapos bombahin ng puwersa ng Russia ang kabisera ng Ukraine na Kyiv, ayon sa alkalde ng lungsod.

Tinamaan ang isang residential building sa Podilskyi district na nagdulot ng sunog, habang may hiwalay pang pag-atake sa Obolonsky na nagpasiklab din ng sunog.

May mga napaulat ding sugatan sa iba pang lungsod tulad ng Dnipro, Kharkiv at Odessa kasunod ng magkakahiwalay na pag-atake.