--Ads--

Aabot na sa 12 katao ang nasawi sa isa sa pinakamalalang wildfire na tumama sa timog na bahagi ng Spain.

Mahigit 460 emergency workers ang ipinakalat upang apulahin ang sunog malapit sa bayan ng Los Gallardos sa Costa de Almería, habang hindi bababa sa 1,405 residente ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa mga awtoridad, walong katao rin ang nasugatan, kabilang ang apat na nasa kritikal na kondisyon.

Batay sa paunang imbestigasyon, apat sa mga biktima ang namatay sa loob ng sasakyan habang pitong iba pa ang nasawi habang naglalakad at sinusubukang makatakas sa mabilis na pagkalat ng apoy.

--Ads--

Pinaniniwalaang karamihan sa mga nasawi ay mga dayuhang mamamayan, bagama’t patuloy pa ang pagkilala sa kanilang mga pagkakakilanlan.