--Ads--

Patay ang hindi bababa sa 15 katao habang higit 50 iba pa ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa isang mosque sa Kohat, Khyber Pakhtunkhwa province sa Pakistan.

Ayon sa ulat, isang kargadong sasakyan ng mga pampasabog ang sumalpok sa entrance ng mosque na matatagpuan sa loob ng police headquarters, habang nagtitipon ang mga tao para sa Friday prayers.

Ayon kay Dr. Tahir Shah, na dinala sa ospital ang hindi bababa sa 15 bangkay at mahigit 50 sugatan. Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil kritikal ang kondisyon ng ilan sa mga sugatan.

Wala pang umaangking grupo sa naturang pag-atake.

--Ads--

Gayunman, aktibo sa lugar ang regional affiliate ng Islamic State o ISIL at ang Pakistani Taliban o TTP, na kapwa regular na nagta-target sa mga security forces.

Naitala rin ang pagtaas ng karahasan sa mga liblib na lugar ng Pakistan na malapit sa border ng Afghanistan nitong mga nakalipas na taon.