--Ads--
Aabot sa 175 miyembro ng Islamic State (ISIS) ang napatay sa magkakasunod na joint airstrikes ng United States African Command at Nigerian forces sa hilagang-silangang bahagi ng Nigeria.
Batay sa ulat ng Nigerian Defence Headquarters, kabilang sa mga nasawi ang ilang mataas na lider ng grupo, habang winasak din ang mga checkpoint, armas, at logistics hubs ng mga terorista.
Sinabi ng mga awtoridad na bahagi ito ng mas pinalakas na operasyon kontra ISIS at kaalyado nitong Islamic State West Africa Province (ISWAP), na matagal nang aktibo sa rehiyon.
Ayon pa sa mga opisyal, patuloy ang operasyon upang tuluyang mapahina ang kakayahan ng mga militanteng grupo na maglunsad ng mga pag-atake sa West Africa.
--Ads--











