--Ads--

Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi at mahigit 40 ang sugatan matapos maglunsad ang Russia ng panibagong missile attack sa Kyiv at karatig na lugar sa Ukraine nitong Miyerkules.

Ayon sa mga opisyal ng Ukraine, tinamaan ng mga ballistic missile ang mga warehouse, logistics center at iba pang imprastraktura. Bagama’t napatumba ng air defense ng Ukraine ang karamihan sa mga drone ng Russia, wala itong na-intercept sa mga ballistic missile.

Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa mga kaalyadong bansa na madaliin ang suplay ng mga missile interceptor, na aniya’y makapagliligtas ng mas maraming buhay.

Samantala, sinabi ng Russia na logistics centers na umano’y ginagamit sa pag-iimbak ng drone components at iba pang kagamitan ang kanilang pinuntirya. Patuloy namang itinatanggi ng magkabilang panig na sinasadya nilang targetin ang mga sibilyan sa nagpapatuloy na digmaan.

--Ads--