Mas umiinit ang tensiyon sa West Philippine Sea dahil sa patuloy na pag-aligid ng mga sasakyang pandagat ng Tsina partikular ang kanilang mga research at survey vessels ayon sa ulat ng Philippine Navy.
Namataan n ahensiya an nasa 178 Chinese ships kabilang na ang 17 na mga barko mula sa People’s Liberation Army Navy na nakakalat sa sa karagatang sakop ng bansa.
Kasama rin dito ang dalawang Chinese research at survey vessels sa Bajo de Masinloc (Scarborough shoal, 28 China Coast Guard at 131 Chinese militia vessels.
Samantala, matatandaan na inanunsiyo ng Tsina na bahagi ng kanilang pag-organisa sa kanilang mga hukbong pandagat at panghimpapawid ay upang magsagawa ng regular reconnaissance, early warning at pagsasanaysa sea at air patrol sa Bajo de Masinloc na inaangkin ng nasabing bansa.
Isinagawa ng Tsina ang mga aktibidad kasabay ng ikaapat na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas kasama ang United States, Japan, Australia, at New Zealand sa exclusive economic zone ng ating bansa.