--Ads--

CAUAYAN CITY – Nalunod sa sapa ang isang 2 anyos na batang lalaki sa  Barangay Cebu, San Isidro, Isabela.

Nagtungo ang tiyahin ng bata na si Ian Xander Prado na si  Mary Grace Ibauatan sa  San Isidro Police Station upang ipabatid ang pangyayari.

Sakay  ang bata ng  kanyang remote controlled bike na malapit sa sapa nang mapansin ng tiyahin na siya ay nawawala.

Nakita nila ang pares ng tsinelas ng biktima at nakalutang sa sapa ang kanyang remote controlled bike.

--Ads--

Humingi ng tulong ang tiyahin nito at matapos ang mahigit 30 minuto na paghahanap ay natagpuan nila ang bata.

itinakbo nila sa ospital ngunit  idineklarang dead on arrival ng attending physician.