--Ads--

Nabigo si Alex Eala sa kanyang debut sa Porsche Tennis Grand Prix matapos siyang talunin ng Filipino-Canadian na si Leylah Fernandez, 1-6, 4-6, sa Stuttgart, Germany.

Sa unang set, mabilis na kumamada si Fernandez, agad na lumamang ng 5-0 sa pamamagitan ng sunod-sunod na winners. Naagapan ni Eala ang posibilidad ng “bagel” nang maipanalo ang ikaanim na game, ngunit hindi na niya napigilan ang matinding opensa ng World No. 25.

Mas matindi ang naging laban sa ikalawang set kung saan nakadikit si Eala sa 2-3. Gayunman, nakapagtala si Fernandez ng back-to-back games para umabot sa 5-2. Hindi naman basta sumuko ang World No. 45 na si Eala, nakabawi ng isang break at nakapagdikit sa 4-5. Subalit sa huli, muling bumangon si Fernandez mula sa 0-30 deficit at tinapos ang laban sa ikasampung game.

Matapos ang panalo, nagpahayag si Fernandez ng paghanga kay Eala:

--Ads--

Susunod na makakaharap ni Fernandez ang mananalo sa pagitan nina Zeynep Sonmez at Jasmine Paolini sa ikalawang round. Samantala, nakatuon na si Eala sa Mutua Madrid Open na magsisimula sa Abril 21.