Nakapagtala ng bagong Guinness World Record ang University of Calgary sa Alberta, Canada matapos magtipon ng 682 katao na nakasuot ng dinosaur costumes bilang bahagi ng kanilang 60th anniversary celebration.
Ginawa ang pagtitipon sa labas ng Taylor Family Digital Library nitong Sabado. Ang sports teams ng unibersidad ay kilala bilang “Dinos”, kaya’t napili nilang gawing tema ang mga dinosaur.
Ang dating rekord ay hawak ng Cox Science Center and Aquarium sa West Palm Beach, Florida, na nagtala ng 468 kalahok noong nakaraang taon. Sa bagong bilang, opisyal nang na-break ang rekord matapos itong beripikahin ng isang Guinness World Records adjudicator.
Ayon kay Ed McCauley, presidente at vice-chancellor ng UCalgary:
“The old record is extinct. This is just a great example of the University of Calgary and our Calgary community coming together to set a world record.”
Isang makulay na selebrasyon ang naganap, na hindi lamang nagbigay saya sa mga kalahok kundi nagpatunay din ng pagkakaisa ng komunidad sa Calgary.











