--Ads--

Itinuring ng grupong PISTON na matagumpay ang kanilang dalawang araw na tigil-pasada matapos umanong aprubahan ng pamahalaan ang dagdag-pasahe sa public transport at ₱60 dagdag-sahod para sa mga manggagawa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON President Mody Floranda, sinabi niyang umabot sa libu-libong driver ang nakiisa sa pagkilos sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mga driver at konduktor ng bus at iba pang public transport.

Ayon kay Floranda, tinatayang nasa 27,000 sasakyan ang naapektuhan ng tigil-pasada sa mga national road, habang umabot umano sa 90 porsiyento ang epekto nito sa transport sector sa NCR.

Sinabi niyang bukas pa rin ang PISTON sa pakikipagdayalogo hinggil sa kanilang mga panawagan, ngunit hindi habang isinasagawa ang kanilang welga.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Floranda na magpapatuloy ang kanilang pagkilos laban sa mga polisiyang itinuturing nilang nagpapahirap sa sektor ng pampublikong transportasyon.