--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasamsaman ng mga baril at bala ang mag-tiyuhin makaraang isilbi ang search warrant sa Barangay Villa Concepcion, Cauayan City.

Isinagawa ang search warrant ng mga miyembro ng Criminal Investigation ans Detection Group Region 2, CIDG Isabela, Intel Operatives ng Isabela Police Provincial Office, Isabela Public Safety Company at Cauayan City Police Station.

Ang search warrant ay ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City dahil sa kanilang paglabag sa Republic Act 10591 o pag-iingat ng hindi lisensyadong baril.

Dinakip sina Percival Aribbay at Jonathan Collantes, kapwa magsasaka at residente ng naturang lugar.

--Ads--

Nakuha sa bahay ni Collantes ang isang Cal. 45 baril, 2 magazine at 9 na bala ng nasabing baril, 3 bala ng Cal. 32 at mga drug paraphernalia.

Samantala nakuha naman sa bahay ni Aribbay ang isang homemade shotgun na may 7 bala.

Dinala ang dalawa sa Cauayan City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang dalawa ay nauna ng sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.