Pinaiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nangyaring putukan sa Senado nitong Miyekules ng gabi.
Sa isang video message ng Pangulo, kaagad niyang tinawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung mayroong ginawa sa Senado ang mga pulis.
Kasunod nito ay tinawagan din niya si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kung pumasok sila sa Senado at sinabing hindi dahil wala naman siyang utos dito.
Ayon sa Pangulo wala siyang utos kahit kanino na hulihin si Sen. Bato dela Rosa at inatasan pa ang NBI na umalis sa Senado para sumunod sa inilabas na kautusan ng Korte Suprema.
Nakausap din aniya ng Pangulo si Senate President Alan Peter Cayetano at nagkasundo sila na sabay mag-imbestiga ang PNP at Senado sa naturang insidente.
Sa ngayon hindi pa aniya alam kung sino ang sumubok na pumasok sa Senado na nauwi sa putukan kaya kinukulekta na lahat ng ebidensiya para malaman ang puno’t dulo ng insidente.











